Sa OceanaGold, nais naming maging ligtas ang aming mga tauhan at mga stakeholder sa pagdudulog ng kanilang alalahanin. Kung may alalahanin ka tungkol sa posibleng maling gawa, maaari kang magsalita sa loob ng kumpanya o maaari mong gamitin ang hotline na ito
Lahat tayo ay may responsibilidad na isulong ang isang ligtas, etikal, at magalang na lugar ng pagtatrabaho. Kung may makita tayong sitwasyon na hindi ayon dito, importanteng sabihin ito.
01.
Para sa mas maliliit na isyu, kadalasan ay pinakamadaling idulog ang iyong alalahanin nang direkta sa indibidwal na kinasasangkutan nito
Kung hindi ka kumportable na gawin iyon o mas seryoso ang usapin, maaari mo itong idulog sa:
- Iyong superbisor
- Superbisor/boss ng iyong superbisor
02.
Kung mayroon kang alalahanin tungkol sa posibleng maling gawa maaari kang makipag-ugnayan sa:
- Business Integrity team
- Isang tao sa People and Culture team
- Isang tao sa Legal team
- Isang Whistleblowing Protection Officer
- Isang miyembro ng Executive Leadership Team
03.
Maaari ka ring magdulog tungkol sa pag-aalala ng posibleng maling gawa sa anumang oras sa pamamagitan ng kumpidensyal at independiyenteng serbisyong hatid ng Safecall. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng telepono o online, at maaari mong piliing magdulog nang hindi nagpapakilala.
SINO ANG MAAARING MAGBAHAGI/MAGSASALITA?
Hinihikayat ang alinman sa mga sumusunod na idulog ang kanilang mga alalahanin:
- Kasalukuyan o dating empleyado, opisyal, kasama at kontratista ng OceanaGold;
- Kasalukuyan o dating mga supplier sa OceanaGold, at kanilang mga empleyado;
- Mga kamag-anak, dependent o asawa ng nabanggit; at
- Mga miyembro ng komunidad
ANO ANG MAAARING IDULOG?
Hinihikayat kang idulog ang iyong alalahanin tungkol sa anumang Potensyal na Maling Pag-uugali. Kapag ginamit natin ang pariralang ‘Potensyal na Maling Pag- uugali’, ang ibig nating sabihin ay maling pag- uugali o hindi tamang kalagayan o pangyayari tungkol sa OceanaGold at mga nauugnay na entity nito, kabilang ang:
- Isang malubhang paglabag sa ating Code of Conduct;
- Anumang pinaghihinalaang o aktwal na maling pag-uugali; at
- Anumang bagay na pinaniniwalaan mong labag sa batas, hindi etikal o hindi alinsunod sa mga Pagpapahalaga (o Values) ng OceanaGold.
Mga halimbawa ng alalahanin na maaaring idulog
- Panloloko, kapabayaan at pagnanakaw;
- Panunuhol at kurupsyon;
- Panliligalig o harassment (kabilang ang sexual harassment), pag-atake, diskriminasyon, pambibiktima o pambu-bully;
- Mga aktibidad na labag sa batas o kriminal;
- Mga pang-aabuso sa karapatang pantao, kabilang ang modernong pang-aalipin (modern slavery).
- Panloob na Pakikipagkalakal (Insider Trading);
- Mga salungatan ng interes (conflicts of interest);
- Maling pag-uugali na magsasapanganib ng kalusugan at kaligtasan, o makakapinsala sa kalikasan;
- Maling pag-uugali na maaaring magdulot ng pagkalugi sa OceanaGold o makasira sa reputasyon ng OceanaGold;
- Hindi etikal na pag-uugali o seryosong paglabag sa mga polisiya at procedures ng OceanaGold (kasama na ang Code of Conduct); o
- Paghihiganti (Retaliation).
SAAN AKO MAKAKAHANAP NG KARAGDAGANG IMPORMASYON
Kung mayroon kang iba pang mga katanungan o nais linawin tungkol sa pagdudulog ng alalahanin sa OceanaGold, mangyaring sumangguni sa Whistleblower Policy na makikita dito.
Maaari mo ring mahanap ang OceanaGold Code of Conduct sa pamamagitan ng pag-click sa link na ito.
PAANO MAGDUDULOG NG ALALAHANIN?
IDULOG ANG ALALAHANIN SA TELEPONO
Maaari kang magdulog ng iyong alalahanin sa pamamagitan ng telepono anumang oras sa napili mong wika. Ang mga tagapangasiwa ng tawag sa Safecall ay bihasa sa pakikipag-usap sa mga tao, mula sa lahat ng antas ng pamumuhay, kadalasan sa mahirap at emosyonal na mga kalagayan. Bibigyan ka nila ng oras at espasyo upang ibahagi ang mahalagang impormasyon sa sarili mong mga salita. Mangyaring gamitin ang mga sumusunod na numero ng telepono depende sa iyong na numero ng telepono depende sa iyong lokasyon –
- Australia +61 2 9158 3205
- New Zealand +64 9 871 5103
- Philippines +63 28 231 2227
- Singapore +65 8004 922689
- United States and Canada +1 888 540 8936
- Para sa lahat ng iba pang mga bansa mangyaring bisitahin ang aming pahina ng mga pandaigdigang numero ng telepono